Pagpapatawad sa sarili

Sa buhay na espiritual, hindi sa lahat nang oras ay
nakadepende ka sa bawat kapitulo o versiculo ng bibliya. Darating rin ang
panahon na isasabuhay mo yan, na hindi ka na babanggit ng numero ng versiculo
kundi huhugutin mo ang iyong karanasan o isipin hindi sa pagsasalarawan ng
bawat verse number kundi and pagbahagi hango sa tunay na nangyayari
ngayon sa iyo na kahalintulad nang mga praktikal na pangyayari tulad na lang
halimbawa ng kwentong nabubuo sa pag hithit ng isang stick na sigarilyo.

 

Isipin
mo nga, ni hindi ka nga marunong mag prito ng sarili mong itlog na makakain,
iisipin mo pa ang problema na kasinlaki ng problema ng mundo, tama ba yun? Kaya
mo ba na lumikha ng isang elepante, o punuin ng mga tanim ang mundo? Alam ko
may mga kaya kang gawin, pero paano mo susulusyunan ang problema kung ang
sarili mo nga ay misteryo na hindi mo maintindihan, tapos tutuklasin mo pa ang
misteryo ng pagkaDiyos ng Diyos? Ni sariling brip mo nga di mo matahi, sarili
mo di mo mapatawad o napatawad mo na ba ang Diyos o ang iyong kapwa. May puwang
pa ba sa pagpapatawad dyan sa puso mo?

 

Ano
ba ang kulay ng iyong kaluluwa o ano ba ang kwento na nabubuo sa isang basong
alak o sa isang lapis o ballpen? Ano ang mga pinagtagpi-tagping pangyayari o
kwento ng barkada nyo? Mayroon ba tayong mapupulot na aral sa grupo nyo? O may
puwang pa kaya ang Diyos sa puso ng bawat isa sa atin? Mga katanungan patungkol
sa pag harap sa ating mga sariling problema na praktikal na nangyayari sa
buhay, mga kaalaman na tunay lang na nangyayari ngayon sa ating mga sarili. Di
bale na muna yung problema na labas sa sarili mo. Puede na siguro kahit
problema na lang muna ng pami-pamilya natin. Kaya mo bang magsimula doon, o sa
banda pa roon, o dito kaya sa puso mo? O baka napalitan na ng puso ng saging
yung tangan-tangan mo at naging tagay tagay mo na lamang?

 

Sino
ka ba na magbahagi ng isang pilosopiya ni hindi mo nga alam kung anong klaseng
taktika ang tutularan upang mabuo ang sarili mong respeto at prinsipyo,
problema pa kaya ng bayan ang ipupokpok mo sa ulo mo? Wala namang masama sa
pakikilahok, ngunit tingnan nga natin ang mga nagyayari sa araw-araw, patayan,
pakikiapid, pag-aaway sa pamilya, droga, prostitusyon. Ni sarili nga nating
makukutkot na tsitsaron, hindi pa natin mapagdugtong-dugtong ang mga haka-haka
o isipin na nabubuo bago mo maubos ang tsitsaron.

 

Alam
nyo ba na kung hahayaan lang natin na sugatan tayo ng ating kapwa hindi sa
pisikal kundi sa pamamaraan ng mga salita na huhugutin nila mula sa puso nila basi
sa nakikita nila sa yo noon o ngayon man, ang sugat na yun ang syang hihilum sa
sugatan mong kaluluwa. Bakit, may karapatan ka bang magalit, ni sarili mo nga
hindi mo mapagaling? Maghihilum lang ang mga sugat, sugat sa kapwa sugat kung
hahayaan mong tulungan ka ng iyong kapwa sa pamamaraang pagtatagpi-tagpi ng
kwento o pag yurak sa dangal mo na sya namang nabuo basi sa kanilang nakikita,
na tutulong sa yo na mabuo ang sarili mo. Yun nga, ang pagsugat ang gamot sa
sarili mong mga sugat. Hindi na lalaslasin mo ang sarili mong pulso, kundi
hayaan mong makinig sa mga haka-haka o paghusga ng iba kung ano ang kanilang
sulusyon dyan sa problema mo.

 

Ang
Diyos mo ang sya ring huhugas sa mga kasalanan mo matapos na hinayaan mong
laitin ka ng kapwa mo tao. Bakit ka pipiyok, eh hindi ka naman manok? Ang sa
akin lang, may karapatan ka bang magalit eh ikaw rin ang gumawa ng sarili mong
problema at hindi itong mga humuhusga sa yo? Kahit si Pilato nga naghugas ng
kamay, sisisihin mo pa ba itong mga tumutulong lang sa yo na buuin ang sarili
mo, nang sa pumuti naman ang kaluluwa mo?

 

Mga
pagbubulay-bulay bago ang pagpapatawad, mga isipin maging sa tahimik na
pamamaraan. Hindi na kailangan na payuhan ka. Problema mo, lusutan mo.

 

 

-Jyotisman Nearu Upendra

Leave a Reply